Carina: Walang pasok sa eskuwelahan, gobyerno sa Metro Manila

By Jan Escosio July 24, 2024 - 07:30 AM

PHOTO: Class suspension card, Walang Pasok STORY: Carina: Walang pasok sa eskuwelahan, gobyerno sa Metro Manila
File photo mula sa INQUIRER.NET

FOR EMERGENCIES: List of government hotlines 

METRO MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga eskwelahan at mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila nitong Miyerkules sa pag-ulan at pagbaha sa maraming lugar na dulot ng habagat at ng Typhoon Carina.

Ito ay inanunsiyo ng Office of the Executive Secretary kasunod ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) base sa inilabas na weather bulletin ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Hindi naman sakop ng kanselasyon ang mga ahensiya na naghahatid ng tulong, naglulunsad ng rescue at disaster preparedness units, at iba pang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tuwing may kalamidad.

READ: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina

READ: LIVE UPDATES: Typhoon Carina

Ipinasa na lamang sa mga pribadong kompanya ang pagdedesisyon kung sususpindihin din ang pasok ng kanilang mga kawani.

Samantala, sinuspindi na rin ng Korte Suprema ang pasok sa mga korte sa Metro Manila.

Kinansela na rin ang pasok sa Senado base sa kautusan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

 

 

TAGS: carina, class and work suspension, Metro Manila flooding, carina, class and work suspension, Metro Manila flooding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.