2 sa 5 seniors citizens‘ bills inaasahang pumasá sa Senado
METRO MANILA, Philippines — Umaasa si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na kahit dalawá sa limáng panukalang batás para sa senior citizens ang makalusót sa Senado bago matapos ang taón.
Aniya, ang nangunguna sa limáng panukalang batás na nais niyáng makalusót sa Senado ay ang House Bill No. 10314 na ang layunin ay magkaroón ng linaw ang mga benepisyo at pribelehiyo ng senior citizens at persons with disability.
Eto naman ang apat pa na panukalang batás:
- House Bill No. 10423 na magbibigay ng universal social pension sa lahat ng mga senior citizen, anumán ang estado sa buhay
- House Bill No. 10188 na magbibigay proteksyón sa senior citizens sa lahat ng uri ng panloloko
- House Bill No. 10313 na ang layunin ay maisama sa e-Gov Ph Super App ang mga serbisyo para sa senior citizens
- House Bill No. 10174 na magtatalagâ sa Dr. Eva Macaraeg-Macapagal National Center for Geriatric Health bilang National Center for Geriatric Health and Research Institute
BASAHIN: House bill sa 20% off sa promo items para seniors, PWDs lusot
BASAHIN: Senior citizens delikado sa Jollibee data breach – partylist rep
Ayon kay Ordanes, kapág naipasá ang kahit dalawá lamang sa limáng panukalà hanggáng Disyembre ay maaaring maipadalá na ang mga ito sa Mayo.
Sinabi pa ni Ordanes na hinihingî na niyá sa Senado na pamaskó para sa senior citizens ang paglusót ng mga panukalang batás.
“Hindí namán tayo nawáwalan ng pag-asa. Kaya nga tayo nananawagan sa mga senadór para aprubahán ang mga panukalang batás na makakatulong sa senior citizens,” sabi ng mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.