House bill sa 20% off sa promo items para seniors, PWDs lusot

By Jan Escosio May 17, 2024 - 07:43 PM

PHOTO: Senior citizens in San Marcelino town in Zambales wait for the distribution of their P3,000 social pension from the government on Thursday, Nov. 18, 2021. STORY: House bill na 20% off sa promo items para seniors, PWDs lusot
Senior citizens in San Marcelino town in Zambales wait for the distribution of their P3,000 social pension from the government on Thursday, Nov. 18, 2021. (Photo courtesy of San Marcelino Public Information Office)

PAG-ASA ISLAND, Kalayaan, Philippines — Pumasa na sa ikalawang pagbasa ang ilang panukalang-batas na layong maisulong ang kapakanan at madagdagan ang mga benepisyo ng mga senior citizen at  persons with disabilities (PWDs).

Kabilang sa mga naaprubahan na sa second reading ang panukalang batas ni Senior Citizens Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na layong mabigyan pa rin ng 20% na diskuwento ang mga senior citizen at PWD maging sa “promo items.”

Nabatid na co-authors ng House Bill No. 10312 si Albay Rep. Joey Salceda at  Agusan del Sur Rep. Alfelito Bascug.

Kasabay nito ang paglusot din ng HB No. 10313, na inihain ni Ordanes, at layon nito  na maisama ang pagsusulong ng kapakanan ng senior citizens at PWDs sa eGOV PH Super app.

Naipasa na rin ang HB No. 10314 na para naman maisaayos pa ang mga pribelihiyo at benepisyo ng mga nasa edad 60 o pataas at ang mga may kapansanan.

Bukod pa dito, lumusot din ang HB No. 10174 o ang isinusulong na Geriatric Health Act at ang HB 10423, na ayon kay Ordanes, ay magbibigay ng pensyon sa senior citizens anuman ang kanilang katayuan sa buhay.

Lumusot din ang HB 10188, na iniakda ni Muntinlupa City Rep. Jaime Fresnedi, na ang layon ay mabigyan ng edukasyon at maprotektahan ang senior citizens sa lahat ng uri ng mga scam at panloloko.

TAGS: discount for seniors and PWDs, House of Representatives, senior citizens, discount for seniors and PWDs, House of Representatives, senior citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.