24/7 na trabaho dapat sa gov’t projects para iwas aksayá – Poe

July 04, 2024 - 03:50 PM

PHOTO: Grace Poe STORY: 24/7 na trabaho dapat sa gov’t projects para iwas aksayá - Poe
Sen. Grace Poe (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Para maiwasan ang pagka-aksayá ng pondo ng gobyerno, dapat ay tuloy-tuloy ang paggawâ ng mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno, ayon kay Sen. Grace Poe.

Dahil dito, inihain ni Poe ang Senate Bill No. 2716 — o ang isinusulong na Accelerated Infrastructure Delivery Act — para sa “round-the-clock work” sa lahat ng priority projects, lalo na ang pagsasa-ayos at paggawâ sa mga kalsada at tulay.

Ipinaliwanag ni Poe na sa ganitóng paraán ay hindí na mapapagmultá ang gobyerno at maiiwasan ang pagbilí ng mga materyales sa mas mataás ng halagá.

BASAHIN: Korapsyon sa gov’t projects mapipigilan sa pag-amyenda sa Procurement Law – Angara

Binanggít niyá sa kanyáng panukalà na noóng 2017 lamang ay pinagbayad ang gobyerno ng kabuuáng P230.17 na milyong multa dahil sa kabiguan nitóng matapos ang mga proyekto sa itinakdáng panahón.

Nakasaád din sa kanyáng panukalà na bibigyán ng karampatang benepisyo at kompensasyón ang mga trabahadór na kakailanganin na mag-trabaho ng 24-7.

 

TAGS: Accelerated Infrastructure Delivery Act, grace poe, Accelerated Infrastructure Delivery Act, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.