Korapsyon sa gov’t projects mapipigilan sa pag-amyenda sa Procurement Law – Angara

By Jan Escosio March 18, 2024 - 11:48 AM

Korapsyon mababawasan sa pag-amyenda sa Government Procurement Act.

Kumpiyansa si Senator Sonny Angara na mababawan kundi man ganap na matutuldukan ng ang korapsyon sa mga proyekto sa pag-amyenda sa Government Procurement Reform Act( GPRA).

Ayon kay Angara handa na siyang makipag-diskusyon sa mga kapwa senador sa plenaryo hinggil sa isinusulong niyang panukala.

Ibinahagi niya na nakapagsagawa na ng tatlong pagdinig, 10 technical workiny group (TWG) meetings at ilang buwan ng konsultasyon ukol sa 13 panukalang batas para amyendahan ang RA 9184 o ang GPRA.

Inisponsoran na ni Angara bilang namumuno sa Committee on Finance ang final committee report ng Senate Bill 2593.

Kabilang ito sa “priority measures” na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Ibinahagi ni Angara na ang pangunahing awtor ng naturang batas ay ang kanyang ama, si dating Senate President Edgardo Angara.

Layon aniya ng kanyang panukala na mas maging maayos ang pagpapatupad ng mga proyekto, pagbili ng mga gamit at mabawasan ang mga pamamaraan na nagiging daan ng korapsyon.

Aniya sinasamantala ng mga tiwali ang mga butas sa batas kayat malaking pondo ng bayan ang nasasayang sa korapsyon.

Paglilinaw na lamang din ni Angara na may nasasayang din na pondo hindi lamang dahil sa korapsyon kundi dahil kakulangan ng mga ahensiya at sa “procurement process” sa kabuuan.

Sa pag-aaral ng World Bank noong 2019, kung naging maayos lamang ang mga istratheiya at polisiya sa “procurement process” aabot sa P1.2 trilyon ang natipid ng gobyerno mula 2014 hanggang 2018.

TAGS: corruption, procurement, corruption, procurement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.