Rep. Herrera: Paigtingín info drive ng solo parents benefits
METRO MANILA, Philippines — Hinilíng nitóng Miyerkules ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paigtingín ang pagsasagawâ ng information campaign ukol sa mga benepisyo ng solo parents sa bansâ.
Ániya, maaaring samantalahín ang DSWD ang social media para maipaalám sa solo parents ang mga benepisyo na kaakibat ng kanilang solo parent ID.
Kasama sa kanyáng panawagan ang Philippine Statistics Authority (PSA) at mga local government units (LGUs).
BASAHIN: 600 na solo parent nabiyayaán ng livelihood program ng QC
Sinabi pa ng kinatawán ng Bagong Henerasyon Party-list na nakapaloób sa Solo Parents Welfare Act ang mga serbisyo at benepisyo na maaaring maibigáy sa kanilá at sa kaniláng mga anák ng iláng ahensya ng gobyerno.
Kabilang na dito aniya ang “flexible work schedules,” parent leave, educational assistance, diskuwento sa halaga ng mga bilihin, at maging tulong pinansiyál.
“Hindi lamang ordinaryong card ang solo parent ID card, makakatulong ito sa solo parents sa pagtupád sa mga responsibilidád at magbago ang kalidád ng kaniláng pamumuhay,” idiin pa ni Herrera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.