600 solo parents nabiyayaan ng livelihood program ng QC LGU

By Chona Yu August 16, 2023 - 06:17 PM
Aabot sa 600 solo parents ang nabiyayaan sa  programang pangkabuhayan ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng “Tindahan ni Ate Joy” livelihood program. Nasa P10, 000 na halaga ng  grocery items  ang natanggap ng bawat benepisaryo. Layunin nito na magkaroon ng sariling sari sari store  ang mga solo parent na pagkukuhanan ng ikabubuhay ng kanilang mga  pamilya. Mismong sina Belmonte at Coun. Ellie Juan ang nanguna sa pamamahagi ng  grocery  items sa mga benepisaryo  kasama ang mga dating persons deprived of liberty (PDL), at survivors ng violence and abuse na tinulungan ng Quezon City Protection Center (QCPC). Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni  Belmonte  na batid ng lokal na pamahalaan ang hirap na dinadanas ng mga solo parent kaya sila ang prayoridad sa mga programa ng LGU. Ito na ang ika-11 batch ng Tindahan ni Ate Joy program na nagsimula noon pang 2013 noong vice mayor pa lamang ng lungsod si Belmonte.  Bukod sa grocery items ay  sumasailalim din ang mga benepisaryo sa mga pagsasanay para sa tamang pamamalakad ng kanilang negosyo at wastong pagpapaikot ng kanilang kita para sa kapakanan ng kani kanilang mga pamilya.

TAGS: Livelihood assistance, QC, solo, Livelihood assistance, QC, solo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.