Marcos walâ pang napipiling kapalít ni VP Duterte sa DepEd
METRO MANILA, Philippines — Walâ pang ipapalít si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd), ayon sa pahayág nitóng Huwebes ni Presidential Communications Seretary Cheloy Garafil.
Wala pang napipilî kahit magsisilbíng officer-in-charge sa DepEd kapág nilisan ni Duterte sa ika-19 ng Hulyo ang binitawang posisyón.
BASAHIN: VP Sara Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief
Ayon kay Garafil, magpapatuloy pa rin na pamumunuan ni bise president ang DepEd sa ngayón.
Kahapon ipinaalám ni bise presidente sa Malacañang ang kanyang resignasyón sa gabinete ni Marcos.
Sinabi niyá na nagbitíw siyá bilang pagmamalasakit sa mga gurô at estudyanteng Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.