3 nasawíng OFW sa Kuwait , 21 nailigtás na seafarer parating

By Jan Escosio June 17, 2024 - 02:40 PM

PHOTO: Facade of the Department of Migrant Workers STORY: 3 nasawíng OFW sa Kuwait , 21 nailigtás na seafarer parating
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Inaasahan ngayóng Lunes ng hapon ang pagdatíng sa bansâ ng mga labî ng tatlóng overseas Filipinio workers (OFW) na kabilang sa mga nasawî sa sunog na tumupok sa isang residential na gusai sa Kuwait noóng nakaraáng ika-12 ng Hunyo.

Bukód dito, inaasahan din ang pagdatíng sa hapon ng 21 Filipino seafarers na nailigtás mulâ sa MV Tutor, na inatake ng mga Houthi rebel sa Red Sea.

Itó ang pahayag kahapóng Linggo ng Deparment of Migrant Workers.

Sumailalim pa sa debriefing ang mga Filipino seafarer bago ang kaniláng pagbabalík sa Pilipinas.

BASAHIN: DMW minamadalî ang pag-uwî ng 3 nasawíng OFW sa Kuwait fire

BASAHIN: 11 na OFW apektado sa nasunog na gusalì sa Kuwait

Naasikaso na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga kinakailangang dokumento sa pagtanggáp sa mga labî ng tatlóng OFW ng kaniláng mga pamilya.

Nagbigáy  na rin ang OWWA ng paunang tulong sa mga naulilang pamilya.

TAGS: Department of Migrant Workers, Filipino Seafarers, Kuwait fire, Kuwait OFWs, Department of Migrant Workers, Filipino Seafarers, Kuwait fire, Kuwait OFWs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.