DMW minamadalî ang pag-uwî ng 3 nasawíng OFW sa Kuwait fire
METRO MANILA, Philippines — Inaasikaso na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang agarang pagpapa-uwî sa mga labî ng tatlóng overseas Filipino worker (OFW) na kabilang sa mga nasawî sa sunog sa isáng residential building sa Kuwait.
Nakikipag-ugnayan na ang DMW sa gobyerno ng Kuwait para sa kakailanganíng mga dokumento para maiuwî na sa Pilipinas ang mga labî ng tatlóng Filipino, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac
Ibinahagì din niyá ang planong pagbisita sa dalawa pang Filipino na kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng isáng ospitál sa Kuwait.
BASAHIN: 11 na OFW apektado sa nasunog na gusalì sa Kuwait
Gayundin, pinoproseso na ang mga papeles ng anim pang biktimang Filipino para makauwî na silá ng Pilipinas.
Tiniyá rin ni Cacdac na ibibigay ng DMW ang lahát ng tulong-pinansiyál sa mga biktima ng naturang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.