LPA sa loob ng PAR malabò nang magíng bagyó – Pagasa

By Jan Escosio June 11, 2024 - 12:17 PM

PHOTO: Pagasa weather update graphic STORY: LPA sa loob ng PAR malabò na magíng bagyó – Pagasa
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Napakaliít ng posibilidád na magíng bagyó ang low pressure area (LPA) na malapit sa Mindanao, ayon sa bulletin nitóng Martes ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay weather forecaster Rhea Torres, maaari din malusaw ngayóng araw ang LPA.

Aniya ang LPA ay huling namataan sa distansiyang 145 km sa kanluran-hilagang kanluran ng Butuan City sa Agusan del Norte.

BASAHIN: El Niño idineklará ng Pagasa na tapós na sa Pilipinas

BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA

Sinabí din ni Torres na dahil sa LPA maaaring magíng makulimlím at umulán sa iláng bahagì ng Visayas at Mindanao.

Tinukoy niyá maaaring ulaín ang rehiyón ng Eastern Visayas at ang mga probinsya ng Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Agusan del Norte.

TAGS: low pressure area, Pagasa, Philippine weather, low pressure area, Pagasa, Philippine weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.