Puksaín mga sindikato, huwág mga POGO – Pagcor chief Tengco
METRO MANILA, Philippines —Sa halíp na isulong ang pagbabawal sa mga legál na Philippine offshore gaming operators (POGOs) dapat ay paigtingín ang kampanyá laban sa mga scam syndicate.
Ito ang sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Chairman Alejandro Tengco sa isang pahayág nitóng Linggó.
Aniya sa kanyáng palagáy hindí dapat ipagbawal ang mga POGO, at ang dapat ay palakasín pa ang kampanyá at operasyón ng mga awtoridád laban sa alien hackers, scammers, at ibá pang mga cyber criminals.
BASAHIN: 49 na pulís Bamban sinibák sa pwesto dahil sa ilegál na POGO
BASAHIN: Mga pekeng opsital ng mga POGO tinitiktikan ng PAOCC
Idiniín niya na ang mga sindikato ay wala namáng kaugnayan sa mga POGO, at kung may ilán man ay ilegál ang mga ito.
Iláng mambabatas, kasama na ang iláng mga senadór, ang nais na ipagbawal na itó dahil sa mga krimén na kasama sa kaniláng operasyon.
Matagal-tagál na ring may mga tumututol sa mga POGO dahil daw na bantâ ang mga itó sa pambansáng seguridád.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.