Poe may agam-agam sa pagparehistro ng bentahan ng sasakyán

By Jan Escosio May 31, 2024 - 06:40 PM

PHOTO: Land Transportation Office facade with LTO logo superimposed STORY: Poe may agam-agam sa pagparehistro ng bentahan ng sasakyán
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Pinatitiyák ni Sen. Grace Poe sa Land Transportation Office (LTO) na magkakaroón ng malinaw na polisiya ukol sa binabalak na pagpapataw ng multá sa hindí pagdedeklará ng bentahan o pagpapautang ng sasakyán.

Sinabi ni Poe nitóng Biyernes na magandá ang intensyon ng LTO ngunit hinilíng niya na magtalagˆå ng mga tao na hahawak sa pagpaparehistro ng bentahan ng sasakyán.

Dapat aniya na tiyakin din ng LTO na magiging maayos ang sistema ng pagpapadrehistro.

BASAHIN: Hinarang na plastic cards para sa driver’s license dinala na sa LTO

“Sa dami ng klase ng violations na ipinapataw ng LTO sa ngayon, baká magkapatong-patong na ang penalties ng ating mga kababayan kung kulang sa paghahandâ,” aniya.

Dagdág pa ng senadora: “Hindí kailangang magpadalos-dalos sa mga polisiya. Mas mahalagá na maayos at subók na ang sistema bago ipatupád.”

Bago ito, inanunsiyo ni LTO chief na si Undersecretary Vigor Mendoza II na magpapalabás ang ahensya ng memorandum hinggíl sa naturang balak.

Aniya gagawíng online ang pagpaparehistro upang mas magíng madalî sa may-ari ng sasakyán na makasunód sa polisiya.

Ayon pa kay Poe, kung online kailangan din tiyakín ng ahensiya na “interconnected” ang lahát ng kaniláng opisina para sa mabilís din na transaksyón.

TAGS: grace poe, Land Transportation Office, sale of vehicles, grace poe, Land Transportation Office, sale of vehicles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.