METRO MANILA, Phililppines — Dumatíng na sa Brunei si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitóng Martés ng umaga, kasama si First Lady Liza Araneta Marcos at ang kaniláng delegasyón, ayón sa Philippine Daily Inquirer.
Dumatíng sila nang 10:01 a.m. sa Bandar Seri Begawan, kung saán ay sinalubong silá ng mga opisyál ng gobyerno ng Brunei.
Makakaharáp ni Marcos si Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah Yang Di-Pertuan.
BASAHIN: Marcos bibisita sa Brunei, Singapore sa susunód na linggó
Kasunod nito ay makakaharáp niyá ang Filipino community sa BRIDEX International Convention Center.
Sa kanyáng pag-alís ng umaga sa Pilipinas, ibinahagì ng pangulo na sa bilateral meeting nilá ni Sultan Bolkiah pag-uusapan nilá ang seguridád sa rehiyón, gayundin ang tourism cooperation ng dalawáng bansâ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.