DA pinalakpakán Luzon toll rebates, discounts sa agri trucks
METRO MANILA, Philippines — Ikinalugód ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigáy ng exemption sa toll hike at rebates sa mga truck na may kargáng produktong agrikultura na dadaan sa mga expressway sa Luzon.
Ayon sa pahayag ng kagawaran nitóng Biyernes, makikinabang ang mga mamimili sa hakbáng na itó dahil bababâ ang halagá ng mga pagkain.
Pinasalamatan din ni Agriculture Secretary Francis Tiu-Laurel sina Pangulong Marcos Jr. at ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa kanilang inisyatibong Agri-Trucks Toll Rebate na ipapatupad simula sa darating na ika-1 ng Hunyo.
BASAHIN: Pangulong Marcos pinamamadali proseso ng importasyon ng agri products
BASAHIN: Pinsala ng El Niño sa agrikultura lumubo na sa P3.34-B
Epektibo ang toll rebates sa Manila Cavite Expressway, North Luzon Expressway, Subic Clark-Tarlac Expressway, Muntinlupa Cavite Expressway, at sa South Luzon Expressway.
Nilinaw namán ng DA na itó ay para lamang sa accredited trucks ng kagawaran at tatagal itó ng tatlóng buwán bago pagdedesisyunan kung ipagpapatuloy pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.