Tubig sa Angat Dam bababa sa minimum level sa 10 araw
METRO MANILA, Philippines — Sa susunod na 10 araw posible na bumaba na sa minimum level ang taas ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan, ayon kay Richard Orendain, hydrologist as Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
At maaring daw sa susunod na linggo ay nasa 180-meter minimum operating level na ang tubig sa naturang dam.
Paliwanag ni Orendain napakadalang ng ulan sa lugar at higit sa pinakakawalan na 75 cubic meters per second para sa supply ng tubig sa Metro Manila at para na rin sa irigasyon sa mga bukid.
BASAHIN: Metro Manila kailangan ng bagong bukál ng tubig – JV Ejercito
BASAHIN: MWSS iimbestigahan bahay na biglang tataas ang gamit ng tubig
Dagdag pa nito, nababawasan ng 40 sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam kada araw.
Nilinaw naman niya na ang critical level ng dam ay 160 meters kayat nakiusap siya sa publiko na gamitin ng wasto ang tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.