Automatic adjustments sa 4Ps na ayuda pinag-aaralan ng DSWD

By Jan Escosio May 10, 2024 - 12:06 PM

PHOTO: Irene Dumlao STORY: Automatic adjustments sa 4Ps na ayuda pinag-aaralan ng DSWD
DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao (File photo from the Facebook page of the DSDW)

METRO MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Economic Development Authority (NEDA) at sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pagpapatupad ng ng automatic adjustment sa ayuda sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon sa pahayag ni Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao nitong Biyernes, nais ng DSWD na makahanap ng tamang pamantayan para sa automatic adjustments sa ayudang pinansiyal.

Paliwanag niya, layon nito na makasabay ang ayuda sa sitwasyon ng ekonomiya ng bansa, lalo na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

BASAHIN: Government ayuda scams sa LGUs ibinuking ni Sen. JV Ejercito

BASAHIN: Implementasyon ng 4Ps, pinapa-calibrate ni Pangulong Marcos

Ito rin aniya ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging kapaki-pakinabang nang husto ang ayuda sa mga benepisyaryo.

Sabi pa ni Dumlao, nais din ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na isa sa mga dapat na maging batayan ng pagtaas ng halaga ng ayuda ang inflation — ang bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo.

Sa ilalim ng An Act Expanding the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (Republic Act No. 11310), ang isang pamilya ay tatanggap ganitong ayuda kada buwan:

  • P750 para sa health and nutrition
  • P650 na  rice allowance
  • P300 para sa bawat anak na nag-aaral sa elementary
  • P500 sa bawat anak na junior high school student
  • P700 naman sa bawat anak na nasa senior high school

TAGS: 4Ps, Department of Social Welfare and Development, DSWD cash aid, 4Ps, Department of Social Welfare and Development, DSWD cash aid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.