Implementasyon ng 4Ps, pinapa-calibrate ni Pangulong Marcos

By Chona Yu January 31, 2023 - 12:54 PM

 

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development na paigtingin pa ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ito ang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pinansyal na ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilyang Pilipino sa bansa.

Sa talumpati ng Pangulo sa ika 72nd founding anniversary ng DSWD sa Quezon City, sinabi nito na hindi maikakaila na ang 4Ps ang naging pantawid ng mga pamilyang Pilipino sa kasaaggsagan ng pandemya sa COVID-19.

Ang 4Ps din ayon sa Pangulo ang umagapay nang tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Continue calibrating the Pantawid Pamilyang Pilipino Program and strengthening the government’s social protection initiatives, especially since one of the measures we undertake to address poverty is through the grants that we provide for the health needs of every household and education of our children,” pahayag ng Pangulo.

“In addition to this, I call upon the department to continue to implement the Unconditional Cash Transfer Program to provide cash grants to poor households and individuals who do not benefit from the lower income tax rates but who are adversely affected by rising prices,” pahayag ng Pangulo.

Samantala, inatasan din ng Pangulo ang DSWD na paigtingin pa ang social pension ng mga indigent senior citizen sa Pilipinas.

“Let us also enhance the Social Pension Program for Indigent Senior Citizens as a means to augment their daily subsistence and medical needs,” pahayag ng Pangulo.

Nakapaloob na sa 2023 national budget ang P50 bilyong pondo para sa pensyon ng mga senior citizen.

Nasa 4.1 milyong senior citizen ang makikinabang sa naturang programa.

Utos din ng Pangulo, tiyakin na naipapaabot sa malalayong lugar ang serbisyo publiko ng pamahalaan.

Kasabay nito, binigyang pagkilala ng Pangulo ang mga tauhan ng DSWD

Sinabi ng punong ehekutibo na hindi matatawaran ang trabaho at dedikasyon ng mga empleyado lalo na tuwing may kalamidad.

Katunayan, hindi lamang oras at sakripisyo ang ibinibigay ng mga taga-DSWD kundi maging ang sariling buhay maiabot lamang ang serbisyo ng pamahalaan.

“Alam ko na kung minsan ang pakiramdam ninyo dahil kayo ay kung nasaan – nasaan pinapapunta na malalayo na hindi kinikilala ang inyong trabaho. Huwag niyo pong isipin ‘yun. Kinikilala at nagpapasalamat ang madlang Pilipino sa inyong mga ginagawa. And although we do not do it often enough, I must remind you today that you have been, especially in the pandemic, that the DSWD has been the lifeline for millions and millions of Filipinos,” dagdag ng Pangulo.

 

TAGS: 4Ps, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, 4Ps, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.