Angara tiniyák na may pondo ang ‘chalk allowance’ ng mga gurô
METRO MANILA, Philippines — Simulâ sa 2021, P4 na bilyon ang inilalaán para sa P5,000 na teaching allowance ng bawat public school teacher.
Tiniyák ni Sen. Sonny Angara na may pondo para sa unang tinaguriáng “chalk allowance.”
Lumusót na sa Senado at Kamara ang panukalang-batas para madoble pa ang allowance at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pag-amyenda sa Kabalikat sa Pagtuturo Act.
BASAHIN: Panukalang dagdag ‘chalk allowance’ lumusot sa Senado
“Mahalagá na matugunán natin ang pangangailangan ng ating mga gurô sa pagtuturò ng mga kabataan. Hindí na dapat nangyayari na nag-aabono pa ang mga gurô para bumilí ng supplies dahil sa kulang ang allowance na galing sa pamahalaán,”sabi ni Angara, ang namumunò sa Senate Committee on Finance.
Nagsimulâ sa P700 ang chalk allowance ng 557,453 na mga gurô at umangát itó sa P5,000 noong 2021 hanggáng ngayon para sa 965,082 na mga gurô.
Umaasa si Angara, na isá sa mga awtór ng panukalang batás, na pipirmahan ito ni Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.