Panukalang dagdag ‘chalk allowance’ lumusot sa Senado

By Jan Escosio May 23, 2023 - 01:00 PM
Pinaboran ng lahat ng 22 senador sa third and final reading ang panukalang batas na layong taasan ang cash allowance na binibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan.   Sa Senate bill 1964 o ang ‘Kaakibat sa Pagtuturo” bill, unti-unting itataas ang teaching supplies allowance na ibibigay sa bawat guro mula sa kasalukuyang P5,000 hanggang maging P10,000 matapos ang tatlong taon.   Itatakda nito na sa School Year 2023-2024 ay itaas sa P7,500 ang teaching supplies allowance at tataas muli sa P10,000  sa SY 2024-2025.   Nakasaad din sa panukala ang automatic adjustment nito kada tatlong taon para makaagapay sa pagbabago ng presyo ng mga teaching supplies, materials at iba pang gastusin sa pagtuturo.   Una nang sinabi ng sponsor ng panukala na si Senate Committee on Civil Service chairman, Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na kailangang isabatas ang allowance na ito ng mga guro para hindi na ito pwedeng basta tanggalin ng sinuman.

TAGS: allowance, Bong Revilla, Budget, news, Radyo Inquirer, Senado, allowance, Bong Revilla, Budget, news, Radyo Inquirer, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.