Maraming customers ng Maynilad sa Metro Manila at Bulacan ilang araw na mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 09:57 AM

Magpapatupad ng water service interruption ang Maynilad sa maraming customers nito sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng Maynilad, magpapalit sila ng pump sa North B Pumping Station sa La Mesa Compound, Quezon City bilang bahagi ng preventive maintenance measures na makakatiyak sa patuloy na maayos na serbisyo ng nasabing pasilidad.

Dahil sa nasabing aktibidad, ang mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Bulacan, Caloocan, Valenzuela at Quezon City ay pansamantalang makakaranas ng pagkahina ng pressure o kawalan ng tubig sa loob ng ilang oras sa Nobyembre 18, 19, 25 at 26, at Disyembre 2, 3, 9, 10, 16 at 17.

Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na available ang supply sa kanilang lugar.

Mayroon ding water tankers ang Maynilad na iaantabay at handang magdala ng malinis na tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Narito ang mga maaapektuhang lugar:

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, maynilad, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water service interruption, Water supply, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, maynilad, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water service interruption, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.