Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 202.68 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (November 5) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 202.53 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.64 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.86 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.33 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 78.02 meters.
Ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Binga dam.
Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.