Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Tumaas pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 177.94 meters alas-6:00 umaga ng Martes (September 29) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 177.81 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.60 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.57 meters habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 79.00 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 79.01 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.