Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 177.44 meters alas-6:00 umaga ng Martes (September 22) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 177.66 meters.
Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.43 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.52 meters habang nanatili naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 79.11 meters.
Samantala, ang water level ng Binga at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque, at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.