Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.68 meters alas-6:00 umaga ng Martes (August 25) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.82 meters.
Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.42 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.26 meters habang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.55 mas mababa sa antas nito kahapon na 78.58 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.