Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Muli pang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 187.04 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (July 9) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 187.30 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.95 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.19 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.77 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.62 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.