Water level ng Angat dam muling nadagdagan sa magdamag
Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.51 meters alas-6:00 umaga ng Martes (June 30) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 188.04 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.92 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.08 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.98 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.92 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.