Mahigit 30,000 households sa tatlong bayan sa Rizal 15-oras na mawawalan ng suplay ng tubig
May 15-oras na water service interruption ang Manila Water sa mga barangay sa tatlong bayan sa Rizal.
Ayon sa Manila Water magsasagawa sila ng upgrade sa kanilang transmission network sa Binangonan, Rizal.
Dahil dito mawawalan ng suplay ng tubig ang aabot sa 154,000 na mga residente o 30,755 na households, commercial at business establishments sa 19 na barangays sa Taytay, Angono, at Binangonan.
Magsisimula ang water service interruption alas 5:00 ng hapon ngayong Huwebes (June 25) at tatagal hanggang alas 8:00 ng umaga ng Biyernes (June 26).
Kabilang sa maaapektuhan ang mga sumusunod na barangay:
ANGONO
San Isidro
San Roque
Sto. Nino
San Vicente
Kalayaan
San Pedro
Poblacion Ibaba
Poblacion Itaas
Bagumbayan
BINANGONAN
Pag-asa
Tayuman
San Carlos
Tagpos
Bilibiran
Pantok
Palangoy
Darangan
TAYTAY
Muzon
San Juan
Payo ng Manila Water sa mga apektadong residente, mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa oras na mayroong service interruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.