Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.27 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (June 11) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.49 meters.
Bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.11 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 101.03 habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.77 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 75.84 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.