Suplay ng tubig ngayong may pandemic ng COVID-19 sapat ayon sa Manila Water
Sapat ang suplay ng tubig ngayong panahon ng pandemic ng COVID-19 ayon sa Manila Water.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Manila Water spokesperson at head of corporate strategic affairs Jeric Sevilla, tuloy ang suplay ng tubig 24/7 sa east zone.
Ito ay maliban na lamang kung magkakaroon ng emergency repairs sa ilang lugar.
Sinabi ni Sevilla na dinadagdagan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Manila Water na ngayon ay 48 cubic meter per second na.
Mas mataas din ang ang antas ng tubig ng Angat dam at La Mesa dam sa ngayon kumpara sa water level nito noong nakaraang taon kung saan nakaranas ng krisis sa suplay ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.