Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales May 13, 2020 - 07:10 AM

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 187.99 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (May 13) mas mababa sa antas nito kahapon na 188.21 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.08 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.14 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.00 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.92.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque at Caliraya dams.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Magat dam habang nanatili sa 184.75 meters ang antas ng tubig ng Pantabangan dam.

 

 

 

 

 

TAGS: Angat Dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.