Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag
Muling nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.66 meters alas-6:00 umaga ng Martes (May 5) mas mababa sa antas nito kahapon na 189.84 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.56 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.59 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.82 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.91.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams.
Nadagdagan naman ang water level ng Binga, Pantabangan at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.