Antas ng tubig ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.95 meters alas-6:00 umaga ng Martes (April 28) mas mababa sa antas nito kahapon na 191.08 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.04 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.13 meters habang bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.77 mas mataas sa antas nito kahapon na 76.78 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Magat dam at nanatili naman sa 572.58 meters ang antas ng tubig sa Binga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.