Antas ng tubig ng Angat dam bumaba sa magdamag

By Mary Rose Cabrales April 21, 2020 - 07:15 AM

Muling nabawasan ang Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 192.25 meters alas-6:00 umaga ng Martes (April 21) mas mababa sa antas nito kahapon na 192.45 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.88 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 76.92 meters habang nanatili naman ang Ipo dam sa antas nito na 100.63 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Magat dam.

 

TAGS: dam status, Water supply, dam status, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.