Antas ng tubig sa Angat dam muling nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales March 25, 2020 - 07:53 AM

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 198.10 meters alas-6 ng umaga ng Miyerkules (March 25) mas mababa sa 198.33 meters na antas nito kahapon.

Bahagyan namang nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na nasa 76.94 meters, alas-6 ng umaga.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ipo dam na ngayon ay nasa 101.04 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan ang antas ng tubig ng Magat.

 

 

TAGS: dam status, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, dam status, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.