Water level ng Angat dam nasa 200.58 meters na lang
By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2020 - 07:54 AM
Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, March 12 ay nasa 200.58 meters ang water level ng Angat.
Malayo na ito sa 212-meters na normal high water level ng dam.
Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 76.95 meters.
Ang Ipo dam naman ay nadagdagan ng bahagya na nasa 100.19 meters.
Pawang nabawasan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa Ambuklao dam na nadagdagan ng kaunti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.