Water level ng Angat dam bumaba na sa 200-meter level
Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA Hydro-meteorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 200.95 meters 6:00 ng umaga ng Martes (March 10) mas mababa sa 201.15 meters na antas ng tubig nito kahapon.
Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 77.04 meters.
Habang walang pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.03 meters.
Samantala, nadagdagan din ang water level ng Ambuklao dam.
Habang nabawasan ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.