Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag
Nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa update mula sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, February 20 ay 202.50 meters ang water level ng dam.
Bagaman bahagyang nadagdagan ay malayo pa rin ito sa 212 meters na normal high-water level ng dam.
Nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.01 meters at 77.64 meters.
Nabawasan din ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams.
Habang nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao dam at Caliraya dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.