Water level ng Angat dam nabawasan sa nakalipas na magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 07:59 AM
Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Jan. 16 ay nasa 204.09 meters ang water level ng Angat dam.
Mas mababa kumpara sa 204.25 meters na water level nito kahapon ng umaga.
Nadagdagan naman ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 101.10 meters at 77.89 meters.
Nadagdagan din ang water level ng Binga dam.
Habang pawang nabawasan ang antas ng tubig ng iba pang mga dam sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.