Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Nabawasan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa datos na inilabas ng PAGASA Hydrology Division ay 204.25 meters ang water level ng Angat dam as of 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Jan. 15.
Nabawasan ito kumpara sa 204.41 meters na water level nito kahapon.
Samantala, bahagya namang nabawasan ang water level ng Ipo dam na nasa 101.07 meters habang bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 77.78 meters.
Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, san Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Nadagdagan naman ang water level ng Binga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.