Water level ng Angat dam nadagdagan ng 4.50 meters sa magdamag
Marami-rami ang nadagdag sa water level ng Angat dam sa nakalipas na magdamag dahil sa pag-ulang ibinuhos ng bagyong Tisoy.
Nadagdagan ng 4.50 meters ang antas ng tubig ng Angat sa magdamag dahilan para umabot na ito sa 193.47 meters ngayong alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 4.
Nadagdagan din ang water level sa Ipo dam na nasa 101.20 meters ngayong umagaat ang La Mesa dam na nasa 77.55 meters.
Ang ipa pang dam sa Luzon ay pawang nadagdagan din ang antas ng tubig kabilang ang Ambuklao, Binga, Pantabangan at Caliraya dams.
Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa San Roque at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.