Water level ng Angat dam muling nabawasan
Bumaba muli ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Nov. 5 ay nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat.
Malayo ito sa 210 meters na normal high water level ng dam.
Wala namang pagbabago sa antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.48 meters habang nadagdagan ng bahagyan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.42 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Magat dam.
Habang nabawasan naman ang Caliraya at Binga dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.