LOOK: Water level ng Angat dam bahagyang nadagdagan

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 06:58 AM

Dahil sa mga naranasang pag-ulan sa Bulacan kahapon dulot ng thunderstorm bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hyrdrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Oct. 29 ay 185.42 meters ang water level ng Angat dam.

Tumaas ito ng bahagya kumpara sa 185.28 meters na water level kahapon.

Samantala, ang water level sa Ipo dam at La Mesa dam ay parehong nabawasan ng kaunti.

Nasa 100.27 meters ang water level ng Ipo dam at 77.33 meters naman ang La Mesa dam.

Nabawasan din ang water level sa Ambuklao, Binga at Caliraya.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan at Magat dams.

TAGS: Angat Dam, dam, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.