DENR naglabas na ng ECC para sa Kaliwa Dam project

By Rhommel Balasbas October 23, 2019 - 02:41 AM

Nagpalabas na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa kontrobersyal na Kaliwa Dam project.

Dahil sa paglalabas ng ECC, tutuloy na sa susunod na hakbang ng project planning kabilang ang paghingi ng approval sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Inilabas ang ECC ni EMB Director Metodio Turbella noong October 11.

Magugunitang mariing tinutulan ng environmental groups at ng indigenous tribes sa Rizal at Quezon ang P18.7 Chinese-funded dam project dahil sa umano’y banta nito sa kalikasan at masasagasaan din ang tirahan ng mga katutubo.

Naglatag ng kondisyon ang EMB matapos ilabas ang ECC.

Ayon kay Turbella, kailangang ikonsidera sa lahat ng yugto at aspeto ng proyekto ang kalikasan.

“However, you may proceed with the project implementation only after securing the necessary permits from other pertinent government agencies. Environmental considerations shall be incorporated in all phases and aspects of the project,” ani Turbella.

Mariing itinutulak ang kontruksyon ng Kaliwa Dam dahil sa hindi na umano kinakaya ng Angat Dam na tugunan ang kinakailangang water supply para sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

 

TAGS: Angat Dam, DENR, ecc, EMB Director Metodio Turbella, kaliwa dam, Water supply, Angat Dam, DENR, ecc, EMB Director Metodio Turbella, kaliwa dam, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.