LOOK: Rotational water service interruption ng Manila Water sa Metro Manila at Rizal ipatutupad muli simula sa Oct. 24

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2019 - 10:14 AM

Simula sa Huwebes, Oct. 24 ay muling magpapatupad ng rotational water service interruption ang Manila Water sa Metro Manila at sa Rizal.

Sa abiso ng water consessionaire, dahil inaasahan ang patuloy pang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam ay muling magkakaroon ng rotational water service interruption.

Ayon sa Manila Water kailangan kasing mapagkasya ang kakaunti nang suplay ng tubig hanggang sa susunod na tag-araw at maging sa kabuuan ng susunod na taon.

Ito ay kung sakaling hindi na umabot pa sa inaasahang 212 meters na antas ng tubig sa Angat Dam sa pagtatapos ng 2019.

Kabilang sa apektado ng rotational water service interruption ang maraming barangay sa Makati, Mandaluyong, Maynila, Marikina, Pasig, Paranaque, Pateros, Quezon City, San Juan, at Taguig.

Gayundin sa mga barangay sa mga bayan ng Rizal, kabilang ang Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cainta, Taytay, Jalajala, San Mateo, Rodriguez, at Teresa.

Kasabay nito ay nanawagan ang Manila Water sa mga customer na mas maging responsable sa paggamit ng tubig sa loob at labas ng tahanan.

Pinayuhan na rin ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng tubig at ipunin lamang ang sapat na dami para matugunan ang pangangailangan sa loob ng mga oras na walang suplay ng tubig.

Narito ang kumpletong listahan ng mga barangay at oras ng interruption mula sa Facebook ng Manila Water:

TAGS: manila water, Metro Manila, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rizal, rotational water service interruption, tagalog news website, water service interruption, Water supply, manila water, Metro Manila, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rizal, rotational water service interruption, tagalog news website, water service interruption, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.