Water level ng Angat dam sumampa na sa 191-meter level
Nadagdagan pa sa nakalipas na 24 na oras ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa PAGASA, alas 6:00 ng umaga ng Linggo, Sept. 22 ay nasa 191.29 meters ang water level ng Angat.
Nadagdagan pa ito kumpara sa 190.91 meters kahapon.
Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 78.56 meters.
habang nabawasan naman ng bahagya ang water level ng Ipo dam na nasa 101 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, at Pantabangan.
Habang kapwa nabasawan ang water level ng Magat at Caliraya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.