Water level ng Angat dam halos sumampa na sa 189 meter level
By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 08:19 AM
Nadagdagan pa sa nakalipas na magdamag ang water level ng Angat dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrology alas 6:00 ng umaga ay nasa 188.98 meters na ang antas ng tubig sa Angat dam.
Halos maabot na nito ang 189 meter level.
Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 101.07 meters at 78.15 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Pantabangan at Magat.
Habang pawang nabawasan ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque at Caliraya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.