Water level ng Angat dam umabot na sa 175-meter level
By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 08:34 AM
Nadagdagan ng halos isang metro ang water level ng Angat dam.
Sa nakalipas na 24 na oras, sinabi ng PAGASA Hydrology ay 175.10 meters ang water level ng Angat dam alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Aug. 12.
Nadagdagan din ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon, maliban lamang sa Ambuklao dam na nabawasan ng bahagya ang antas ng tubig.
Ang Ipo dam ay nasa 100.97 meters ang water level at ang La Mesa dam naman ay nasa 76.62 meters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.