Water level ng Angat dam nabawasan pa din kahit inulan kagabi ang ilang bahagi ng Bulacan
Kahit inulan kagabi ang ilang bahagi ng Bulacan, hindi ito nakatulong para mapataas ang water level sa Angat dam.
Sa nakalipas na 24 na oras, nabawasan pa ang water level ng dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Biyernes, July 26 nasa 161.22 meters ang water level ng Angat.
Nadagdagan naman ng bahagya ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 73.92 meters.
Nabawasan din ang water level ng Ipo, Pantabangan, at Caliraya.
Habang nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, at Magat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.