Water level sa Angat dam muling nabawasan
Sa nakalipas na 24 na oras muling nabawasan ang Water level sa Angat dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes (July 25) ay nasa 161.28 meters ang water level ng Angat.
Malayo pa ito sa normal operating level na 180 meters para maibalik sa normal ang suplay ng tubig sa Metro Manila.
Nadagdagan naman pareho ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam.
Ang iba pang dam na nadagdagan ang water level ay ang San Roque at Magat.
Nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga at Caliraya.
Habang walang pagbabago sa Pantabangan dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.